Biyernes, Pebrero 3, 2012

ahyst nag-umpisa ito nang magsimula ako mag-college
grabe nakakahiya pa pumasok dahil wala ka talaga kakilala
naiinggit ka nga sa iba kasi buti pa sila may mga kausap samantalang ikaw
halos uupo ka talaga dun sa wala pang nakaupo kasi nga wala kang kilala at
nahihiya ka makipagkilala.

pero matapos ang dalawang araw grabe!!! nasa hagdan ako (tapat ng rum namin) may nakipagkilala sa akin
may hinahanap syang tao sa akin., (siguro alam na nyang kablock nya ako so nagtanong na sya sa akin) pero hindi ko pa kilala ung taong hinahanap nya kablock din ata namin (sorry makakalimutin kasi ehh) so pangalanan nalang natin syan anghel. so ito ung usapan namin:

ako: ahh?? sorry miss hindi ko sya kilala ehh c:
anghel: ahh ganun ba., ok lang salamat., ako nga pala si (sinabi ang buong pangalan at inabot ang kamay)
ako: (nagulat!! wow ang bait nya sobra!!) so nagpakilala din ako tas inabot ko kamay ko (sa wakass!! may kakilala na din ako yesssss!!!!)

so dyan mag-uumpisa ang kwentong ito sobra ang daming magaganda at malulungkot na nangyari dito sa ngayon ito muna c:
                                                                                                                          -phantom2993


katuloy.....

so yan nagkakilala na kami ng babaeng hindi ko akalain na mamahalin ko pala (hehe kinikilig ako pag naaalala ko tong mga tohh!!)
syempre pag college ka hindi't-hindi mawawala dyan ang seatplan (dyan ako kinakabahan kasi baka kung sino ang makatabi ko tas ayaw ako katabi hehe) yan na inaus na ang seatplan namin pero sa kasamaang palad ehh alphabetical inaus ( V pa naman umpisa ng lastname ko malas ko sa likod ako sigurado) pero kahit na nasa likod ako una namang inaus ang boys so swerte pa rin ako kasi A ang unang letter ng apelyido nya (pero may isang tao nakaupo sa pagitan namin., perrrrrrrrooooo okay lang kasi malapit ako sa kanya).
Naku eto ang pinaka-paborito ko sa lahat ang pagpapakilala ng bawat isa kasi sya lagi inaabangan ko na magpakilala (gusto ko kasi naririnig boses nya ehh)...
Dumaan na ang ilang araw ng klase., naging close na kami sa wakas at dumating ung time na naging uso ang mga banat kaya sunubukan kong bumanat sa kanya at eto ang ilan sa mga banat kong iyon:

ako: anghel?? sting ka ba??
anghel: bakit naman??
ako: Ehh kasi kaw nagbibigay ng lakas sa akin ehh (haha korni pero ayosss!!!)
anghel: naks naman bumabanat ka na din ahh (with smile yan hehe)
yan ginagawa ko para lang mapansin nya ako at mapasmile ko sya ohh eto pa isa:

oral exam namin sa phoenetics noon:

ako: anghel sana maipasa ko tong oral exam natin
anghel: bakit naman ??
ako: ehh kasi para masabi ko sau ng tama na "I Love You" (haha nakascore nanaman ako hehe)
anghel: haha! ou galingan mo garud!! (haha with smile ulit yan.,)

sobra ang ganda ng mga times na iyon nakakakilig at sobrang nakakatuwa., sya ang babaeng naging kaclose ko sa college na iba sa lahat dahil naiintindihan nya ako at napakabait nya sa akin..

                                                                                                                        -phantom2993

pag-katapos namin magkakilala syempre may facebook account ako haha!! inadd ko agad sya (dba pagkatapos mag-add tinitignan agad mga profile pics??) ginawa ko agad yan., grabeee!! ang ganda at ang cute nya talaga sobraaaa!!
dyan nagsimula dyan ang communication namin., tpos syempre kulang pa din ang facebook lang so gumawa ako ng paraan para kunin no. nya ( kinuha ko lang sa isang kaibigan ko haha!!) matapos kong makuha hindi ako makapaghintay itxt sya haha ( sakto globe pa man din sya).. sa wakas txtmate na kami dyan na nagsimula ang mga txt messages na goodmorning ingat ka lagi., happy lunch, maen ka na?? at marami pang iba haha..

matapos ng pagiging close sa isat-isa at medyo madalas magkatxt., nahulog na talaga ng tuluyan loob ko sa kanya ( at syempre dahil babae sya nahalata nya un) hindi ko maiwasang mapansin sa kanya na meron at meron pa ding pagkailang syang nararamdaman., at sa nararamdaman nyang yun hindi namin naiwasang hindi magpansinan at nagiging madalas na kaming mag-iwasan., grabe pati sa txt medyo hindi na din palagi., pero kahit ganun hindi pa din sya nawala sa isipan ko at pati ung nararamdaman ko para sa kanya hindi din nawala.. (eto na ung umpisa ng malungkot na part).,
last day na ng exam namin sa finals kaya ibig sabihin nun last day na din ng semester na un para sa amin., plano ko ng sabihin sa kanya nararamdaman ko nun pero syempre hindi mo maiwasan ang magpaalaman sa mga naging kaibigan mo nun., grabe andaming nagpapaalam at andaming tao hinahanap ko sya at hindi ko na sya makita., tinext ko sya pero sabi nya nagmamadali syang umalis dahil aausin pa nya ang gamit nya para umuwi sya sa kanila (Ilocos)., uhmm nalungkot ako nun kasi hindi ako nakapag-paalam sa kanya ng personal at hindi ko nasabi ang dapat kong sabihin kaya nagreply nalang ako na ingat sya lagi at itxt nya ako pag nakarating na sya sa kanila (syempre nag-aalala ako sa kaligtasan nya)., dyan natapos ang first semester na kasama ko ang babaeng napamahal na talaga sa akin c: .

katuloy...


dalawang sem din ang lumipas syempre at nagkacrush din naman ako sa mga sems na un pero iba pa din naman ang mahal dba?? nawala din kasi communication namin nun ay un nga nagiiwasan kami kaya nagkakahiyaan na magbati o mag hai man lang sa isat isa pag nagkakasalubong., pero syempre mahirap din naman sa akin un.. pero hindi pa din talaga sya nawala at lagi ko pa din syang iniisip ( o diba pagkatapos ng dalawang sem sya pa din mahal ko o ehh di happy anniversary naman daw sa akin c:) haha..
Pero eto na talaga ang hindi ko inaasahan ang maging magka block kami ngaung second year na kami second sem grabe hindi ko alam kung alam nya na may gusto pa din ba talaga ako sa kanya o nakalimutan na nya.. nung makalipas ang ilang araw nagfacebook ako saktong naka online din sya ehh di sinubukan ko sya ichat at ( wowwww nagreply sya) grabe naging close ulit kami at dun nagkaroon nanaman kami ng communication at nagsisimula nanaman talagang mahalin ko nanaman sya ng todo-todo. Grabe wala talaga akong intensyon na ipaalam sa kanya yun kasi alam ko ang mangyayari at masaya naman ako sa pagiging close ulit namin.. Naku paparating na ang Valentine's day noon at wala talaga akong plano kasi pag may ginawa ako sa araw na un sigurado magbabago nanaman tingin nya sa akin. 1 week bago magvalentines nabalitaan ko sa mga friends ko na may mang-haharana sa kanya tapos sinabi nila na ganun na lang ba wala ka bang gagawin susuko ka nalang ba?? (syempre sa loob ko masakit) sinabi ko sa kanila na wala akong plano at wala akong gagawin., pero alam nyo ba na nung malapit na talaga napagisipan ko na tama ang mga friends ko dapat talaga may gawin ako!! so un nagplano na talaga ako., Eto na Valentines day na talaga., kinakabahan ako sa mangyayari pero alam ko na para sa kanya toh kaya dapat kong kayanin., so nauna ung nangharana sa kanya (hindi ko talaga alam magiging reaksyon ko nun haha nagseselos na ako nun) pero dumating naman din ung time na ako naman (sana nagustuhan nya ung ginawa ko para sa kanya) haha natapos din sana talaga nagustuhan nya un kasi para talaga sa kanya un c: